top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DUWELO NA SA KAMPEONATO, NG CIGNAL AT CEU SA D-LEAGUE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2019
  • 1 min read

SIMULA na ngayong hapon ng duwelo ng dalawa sa pinakamahuhusay na collegiate teams sa bansa — ang Cignal-Ateneo at Centro Escolar University para sa kampeonato ng 2019 PBA D-League sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Galing sa mahaba-habang pahinga ang Blue Eagles pagkaraan nilang i-sweep ang semifinals series ng Valencia City Bukidnon-SSCR noong nakaraang linggo, taliwas sa 8-man Scorpions squad na sagad sa laro matapos silang maapektuhan ng husto sa nangyaring alegasyon hinggil sa game fixing ng kalahati sa miyembro ng team.

Kahit mayroon lamang natirang 8 players sa roster, nagawa pa rin nilang talunin ang St. Clare College Virtual Reality sa kanilang semifinals series na umabot hanggang Game 3 kung saan sila namayani upang ganap na umusad sa kampeonato sa bisa ng 89-72 panalo noong nakaraang Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Idaraos ang Game 1 ng best-of-five championship series ng 4 p.m. Kahit paborito sa laban, aminado ang Cignal-Ateneo na hindi nila puwedeng ipagwalang bahala ang CEU.

Ang championship appearance ang ikatlo ng Cignal franchise sa D-League ngunit, una pa lamang para sa Ateneo team dahil sa unang dalawa ay kinatawan ang Cignal ng San Beda. Sa panig ng CEU, magtatangka sila na tapusin ang kanilang Cinderella run sa pamamagitan ng tagumpay, pero ngayon pa lamang ay hindi na mapigilan ni coach Derrick Pumaren ang ipagmalaki ang inabot ng kanyang team. “For me, this team is already a champion. With all the adversities na nangyari, we still made it,” wika ni Pumaren. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page