top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dr. Ferrer, ipinaliwanag ang mafia isyu ng PhilHealth

Thea Janica Teh
Jun 13, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Nilinaw ni PhilHealth acting President and CEO Dr. Roy Ferrer na walang nagaganap at walang makalulusot na mafia sa Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa administrasyong ito.

Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabi sa isang interview na mapagkakatiwalaan ang pamumuno ni Ferrer sa PhilHealth. Bago pa man siya maluklok sa puwestong ito ay may mga problema nang hinaharap ang ahensiya at isa na rito ang maling paggamit ng PhilHealth benefits sa health center.

“Ang ipinapakalat ni Minguita Padilla, head executive staff ng dating Health secretary sa pamumuno ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III bilang culture of fear ang PhilHealth ay sa panahon nila lamang”, saad ni Ferrer.

Ipinasara na ni Pangulong Duterte ang nasabing health center para matigil na ang maling ginagawa. Bukod pa rito, noong panahon na Health secretary pa lang si Padilla, naganap ang isyu sa Dengvaxia. “Kaya ang sinasabi ni Padilla na walang kakayahan ng namumuno noon sa PhilHealth, ang tinutukoy niya ay ang nakaraan na at hindi ang kasalukuyan”, dagdag pa ni Ferrer.

Ang kasalukuyang Board members ng PhilHealth ay mga in-appoint mismo ni Pangulong Duterte at walang mafia member ang makatatagal sa pamumuno nito. Nakasisiguro si Ferrer na loyal sa kanilang puwesto at pinamumunuan ang kanyang mga staff kaya naman walang katotohanan at sa kanilang panahon lamang nangyari ang mga ganitong isyu.

“Ang mga so-called “mafia member” ay mga PhilHealth officer na ayaw magpakilala na kayang mandugas at mandaya sa iba’t ibang ospital at health center sa ating bansa,” dagdag pa ni Ferrer.

Nag-launch na si Ferrer ng corporate-wide intensive fraud detection at enforcement activities para makilala at matukoy ang mga gumagawa ng iligal at mali laban sa ahensiya.

Ang payo na lamang ni Ferrer kay Padilla na mamulat sa kasalukuyan at sa reyalidad. “'Ika nga ni Bernard Baruch, ‘every person has a right to his opinion, but no person has a right to be wrong with his or her facts.”

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page