CARRY OVER SA PENTAFECTA

BIBITIWAN ngayong gabi ang pitong karera na kapapalooban ng dalawang Pick 5 isang Pick 6 at Pick 4 sa Metro Turf Club Inc, (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Kasabay nito, matutunghayan ng bayang karerista ang Additional One Win in Group Races. Sa Race 1, kasabay ng 1st Pick 5, magaganap ang carry over na P74,960.05 at nakalalamang ang More Or Less at magsisilbing kalaban ang Magic Square at Show The Whip. Magsisimula ang Pick 6 sa Race 2, ipinapatok ang Noh Sen Young Yana at makakalaban ang ibang kalahok gaya ng A Certain Smile, Greatest Love at Crowned Prince.
Sa 2nd Pick 5 na magaganap sa Race 3, ipinapatok ang Tit For Tat at makakalaban ang Winning Move, isama ang Play it Safe.
Magkakalaban ang tatlong kalahok na Sure Win, Batang Baclaran at Chocolate Thunder sa pagtikada ng Race 4 na umpisa ng Pick 4. Sa Race 5, nakalalamang ang Kingship sa mga kalaban na HeadMastership, Divine Zazu at Backdoor Cover na magsisilbing parating sa Pick 5 at Pick 6.
Kasabay nito, magkakalaban ang mga kalahok na Clear Talk, Cleave Ridge, Mount Pulag, Faith In Action at Congrats Sister sa Race 6. Magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng mga kalahok na Shinshiro, Jersy Savings, Polilio Island at Batang Novaliches sa Race 7.
Tip Ni Mang Ding: Race 1-More Or Less (5) Magic Square (6) Race 2-Noh Sen Young Yana (6) Greatest Love (4) Race 3-Tit For Tat (3) Winning Move (2) Race 4-Sure Win (5) Batang Baclaran (6) chocolate Thunder (3) Race 5-Kingship (3) Headmastership (6) Race 6-Faith In Action (5) Clear Talk (2) Cleave Ridge (3) Race 7-Shinshiro (5) Jersy Savings (8)





Comments