top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS_IG _jomar aviary TikTok

Bukod sa pagkakaroon ng dry at frizzy hair... MADALAS NA PAGHAWAK SA BUHOK, PUWEDENG HUMANTONG SA SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2019
  • 1 min read

MADALAS mo bang hina­hawakan ang iyong buhok? ‘Yung tipong ka­susuklay mo pa lang, pero naba-bother ka pa rin? Naku, knows ba ninyong ang ganitong ga­wain ay ma­aaring humantong sa pagka­karoon ng sakit sa pag-iisip? Hala!

Ayon sa mga eksperto, bukod sa magiging frizzy at dry ang inyong bu­hok kapag madalas ninyo itong hina­hawakan, maging ang pag-iisip ninyo ay maaaring maapektuhan.

Ito ay dahil maituturing itong disorder kung saan po­sib­leng hindi mo na mapigilan ang pagha­wak dito at hindi na ito ma­ituturing na mannerism kundi sakit na sa pag-iisip.

Gayunman, dapat sa tuwing nagpapagupit tayo, make sure na komporta­ble tayo sa gupit natin at iwasang ma­kisabay sa uso kung de­hins naman gusto dahil ayon sa pag-aaral, na­tuklasan na kara­mihan sa mga taong madalas na hina­hawakan ang kanilang buhok ay ‘yung mga naglala­gay ng bangs na hindi komportable para sa kanila. Oh, ayan, alam n’yo na, ha? He-he-he!

Samantala, ang payo ng mga eks­perto, mainam na mag-ayos lamang ng buhok sa tuwing nagugulo ito at huwag minu-minuto nang sa gayun ay makaiwas kayo sa pagkakaroon ng split ends at iba pang hair problem.

Dagdag pa rito, huwag araw-ara­win ang paggamit ng blower, spray net at plantsa sa buhok dahil nakati-trigger ito ng damages.

Kung mapababayaan natin ang ating buhok, malaki ang mababago sa ating pisikal na anyo dahil ang buhok ang kinikilala bilang “crowning glory” na aminin man natin o hindi ay may­roong nagagawa para magmukha tayong presentable.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page