top of page

Bahay na malaki, maganda, maaliwalas at makintab

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Loterono ng Loterono_ Kate@facebook.com

Dear Professor, Palagi akong nananaginip ng bahay na malaki, maganda at maaliwalas at makintab. Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!

Naghihintay, Loterono

Sa iyo Loterono, Ayon sa panaginip mo, sa kasalukuyan ay naninirahan ka sa bahay na malayung-malayo sa magandang bahay na iyong palaging napananaginipan.

Sa biglang tingin, masasabing totoo pala na ang panaginip ay kabaligtaran. Pero, ang panaginip ay simpleng nagsasabi na kung ano ang kahilingan mo, ‘yun mismo ang mapananaginipan mo.

Dahil sa katotohanang ito, masasalamin sa panaginip mo na wish mong magkaroon ng bahay na malaki, maganda, maaliwalas at makintab.

Ang tanong, magkakatotoo kaya ang wish mo?

Malaki ang tsansa na matupad ang pangarap mong magandang bahay dahil sa buhay ng tao, kung ano ang laman ng isipan mo, ito ang nangyayari sa reyalidad.

Kaya maririnig mo ang sinasabi ng mga tinatawag na “life coaches” na kung ano ang gusto mo, isipin mo. Sabi nga, use your imagination and mind. Mag-concentrate ka at i-visualize mo ito.

Mayroong hindi naniniwala sa ganu’ng nakamamanghang sikreto kung paano magkakatotoo ang gusto ng tao. Pero, dahil hindi sila naniniwala, hindi nila susundin ang nasabing makabagong payo.

Gayunman, marami na ang nagpatunay na ang nasabing nakagugulat na pormula kung paano gaganda ang buhay ay nagkatotoo sa kanila.

Wala namang mawawala sa iyo, kung gagawin mo ito. Kaya ang payo ay nagsasabing, maging positibo ka at huwag mag-alinlangan.

Kaya, isabuhay mo ang pagsasabi ng “I claim it” na nagpapahiwatig na ang magandang bahay sa panaginip mo ay mapasasaiyo.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page