WHACKERS, ISASABAK MUNA SA LABAS, BAGO SA SEA GAMES
- Clyde Mariano
- Jun 12, 2019
- 1 min read

BIBIGYAN ng mahabang foreign training exposures ang mga Pinoy tennis player para mahasa at gumaling bilang paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games kung saan muli na naman silang mapapalaban sa sampung mga bansa.
Ayon kay Philippine Tennis Association (Philta) president Atty. Antonio “Tony” Cabletas, masusukat ang galing ng player kung lalaro sa labas kontra sa malalakas na banyaga.
Kung matatandaan, nagpunta si Cabletas sa Melbourne kung saan ginawa ang prestihiyosong Australian Open Tennis na nilahukan ng mga sikat at bigating tennis player sa mundo.
Doon niya nakita ang grassroots programs sa paraan ng pagtuklas ng mga bagong manlalaro na may potensiyal na kakatawan sa Pilipinas sa mga international competitions kasama ang SEA Games, Asian Games at Davis Cup Asia/Oceania.
“Countryside has abundance of talents. The only to tap their potentials is through effective, viable and long sustainable grassroots programs,” wika ni Cabletas na nabanggit sina Johnny Arcilla at Jason Patrombon na natuklasan sa Butuan at Iligan sa Mindanao.
Kasama sa mga aspirants sina AJ Lim, Francis Casey Alcantara, Jason Patrombon, Marian Capadocia, Ana Clarisse Patrimonio at Filipino-German Katarina Lehnert.





Comments