top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Seungri, 'di kawalan sa grupo… MUSIC VIDEO NG BIG BANG, MAY 400 MILLION VIEWS NA

Lee Vin Nia
Jun 12, 2019
2 min read

SA kabila ng matinding kontro¬bersi¬yang dinala ni Seungri sa Big Bang, isang matindi ring achievement ang nakamit ng grupo recently.

Last June 7, at approximately 5:30 PM KST (Korean Standard Time), ang music video ng Big Bang sa YouTube na Fantastic Baby ay umabot na sa mahigit 400 million views, making it the group’s first MV to achieve the feat.

Ito ay pagkatapos ng 7 years, two months, and 11 days since the music video’s release on March 27, 2012 at 12 AM KST.

Noong 2017, ang nasabing MV din ang unang music video ng K-pop idol group na umabot sa 200 million views.

Nagbubunyi ang mga VIPs (tawag sa fans ng Big Bang) sa bagong milestone na ito dahil senyales daw ito na nami-miss na ng publiko ang grupo at naghihintay sa pagbabalik ng apat na natitirang miyembro.

Mula sa 5, ngayon ay apat na lang ang miyembro ng Big Bang na sina G-Dragon, T.O.P, Taeyang and Daesung dahil this year ay matatandaang umalis si Seungri sa grupo sanhi ng kontro¬bersiyang kina-sangkutan, ang Burning Sun scandal.

Dahil dito, marami ang nag-akala na baka ito na ang katapusan ng grupo at hindi na tangkilikin pa ng mga tao.

With the new achievement, sa malas ay may future pa naman ang Big Bang lalo pa nga’t buhay na buhay pa ang mga fans nila at hinihintay lang na matapos ang military service ng apat.

Si T.O.P. ay nakatakdang ma-discharge this coming last week of June, si G-Dragon ay sa October at sina Daesung and Taeyang naman ay sa November.

So, by the end of the year ay kum¬pleto na ang apat at magiging isang buong grupo na ulit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page