Hollywood actress, idol daw niya noon pa… POPS, PROUD NA NAKATSIKAHAN SI DREW BARRYMORE
- BULGAR

- Jun 12, 2019
- 3 min read

IBINAHAGI ni Concert Queen Pops Fernandez ang kanyang naging karanasan bilang isa sa mga hurado ng World’s Best sa Amerika mula sa CBS Network.
Ang World’s Best ang pinakabagong talent show sa US ngayon na may 100 hurado from different countries.
“It’s a wonderful experience,” bungad ni Pops nu’ng interbyuhin namin sa grand presscon ng Feelennial.
The best part daw ng pagiging hurado niya sa World’s Best is the show itself and being able to work with a big international network.
“Aside from that, ang dami kong nakilala na mga equally talented, even more talented artists from all over the world. So, ‘yung network ko, parang lumago lalo. Ang dami-dami kong friends ngayon. We all get in touch. We all fell in love with each other, believe it or not,” lahad ni Pops.
One month nakasama si Pops sa show at hanggang ngayon daw, ang ilan sa mga hurado ng show ay nagkikita-kita pa rin.
“‘Pag nasa LA ako, I meet up with some of them. So, naging sobrang close talaga kami, ‘yung honest-to-goodness.”
Halos lahat naman daw ng nakasama niya sa show ay naging ka-close niya.
“Kasi iba-iba sila. ‘Yung iba, fashion designer, ‘yung iba, choreographers, ‘yung iba, singers, ‘yung iba, managers. So, ‘yung nakaka-share kami kung ano ‘yung mga ginagawa namin. And remember, we’re all from different parts of the world. So, curious sila kung ano ang ginagawa ko rito. Curious din ako sa kung ano ang ginagawa nila ru’n.”
Marami rin daw siyang nakadaupang-palad na international stars sa World’s Best kabilang na ang famous country singer na si Faith Hill at isa sa main judges sa show na si Drew Barrymore na nakatsikahan pa niya.
“I’m such a fan of Drew Barrymore. Tapos fan din ako ni James Corden. He’s the host of the show. Every so often, iniinterbyu niya kami. Na-star struck ako, ‘yung talagang ‘Aww!’ Natameme ako. Talagang, ‘Huh?’ Tapos, nagsisisi ako ‘pag dumaan na siya, ‘Sayang naman, eto dapat pala ang sinagot ko.’ Huli na ang lahat, umalis na siya. But, ah, I’m really also became a fan. And, I was in awe with the production, the way also they put things together,” kuwento pa ni Pops.
Dagdag pa niya, “Na-star struck talaga ako! Because we don’t really know when we’re called. Hindi namin alam. Hindi siya scripted ever. So, it’s also a surprise if we get called. And thank God, I was always called, you know.”
Tinanong namin si Pops kung alam ba ng mga kapwa niya hurado sa World’s Best ang title niya rito sa Pilipinas bilang Concert Queen.
“Yes,” ngiti ni Pops. “We all did research each other nu’ng na-meet na namin ‘yung isa’t isa. Tapos, ‘yun ‘yung amazing nga ru’n, kumbaga, ‘Grabe! Sikat na sikat pala siya roon.’ Hahaha! So, alam mo ‘yun?”
Nalaman din namin kay Pops na hinanap daw talaga siya ng mga taong involved sa World’s Best.
“Actually, isa ako ru’n sa hinahanap nila talaga and they interviewed me through Facetime, para makilala nila ako, makausap nila ako. So, siyempre at 2 AM, I was doing an interview. So, Diyos ko, magang-maga pa ang face ko. Hahaha! Sabi ko, ‘I don’t normally look like this. I look better than this.’ Ah, but yeah, ang masasabi ko, isa ‘yan sa unforgettable experience ko in my whole career.”
Kahit pang-international na ang level ni Pops bilang hurado, open pa rin naman daw siya na maging judge sa local talent shows dito sa ‘Pinas.
“Ah, kung maganda ‘yung project, yes, ‘di ba? Siyempre, mas comfortable ako sa singing. Mas comfortable ako sa hosting more than anything else.”
Inamin ni Pops na nami-miss na niya ang mag-host ng programa.
Ini-reveal din sa amin ni Pops na may kumokontak nga raw sa kanya for a new show sa US.
“Meron, but siyempre, inuna ko muna itong movie namin, ang Feelennial because it’s already in the can and totoo ‘yung sinabi nila (Ai Ai delas Alas and Bayani Agbayani, lead stars of Feelennial) na sobra akong OC and I’m really so hands-on. Only because ang feeling ko kasi, I got myself into it, so, ayoko siyang pabayaan. And I really want to take care of everybody.”
After ng showing ng Feelennial, ang first ever venture ni Pops sa pagpo-produce ng pelikula through DSL Productions, muli siyang babalik ng US para sa tour nila ni Martin Nievera from August to September.
“Sana mag-end kami dito. I think we’re still trying to fix that. Sana magawa, ang finale namin doon sa tour ay Manila. Ipinagpe-pray ko siya,” dasal pa ni Pops.
Mas magiging aktibo pa raw ang DSL Productions sa iba’t ibang projects.
Pops is co-producing Feelennial with Cignal Entertainment, the original content division of the Philippine’s number one Pay TV provider, ang Cignal TV.
Showing na ang Feelennial on June 19.





Comments