top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Boksing talaga ang gusto kahit todo-tutol si Jinkee… ANAK NI PACQUIAO NA SI JIMUEL, ATRAS MAG-ARTIST

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2019
1 min read

KUNG si Jinkee Pac­quiao ang tata­nungin, ayaw niyang maging boksingero rin ang anak na si Jimuel Pac­quiao, pero wala naman siyang magagawa kung ito ang hilig ng panga­nay nila ni Sen. Manny Pacquiao.

Noong una nga raw sa­bihin ni Jimuel sa kanyang mommy na gusto rin niyang ma­ging boksin­gero tulad ng amang si Manny, tala­gang “no” agad ang sabi ni Jin­kee.

“Kaso, gusto talaga niya, eh,” sabi ni Jinkee nang makausap namin sa media launch ni Ji­muel bilang bagong endorser ng BNY Jeans Company.

“Ayoko namang ma­­­ging hadlang sa mga pangarap niya,” dagdag pa ni Jinkee.

Ilang beses daw naki­usap si Jimuel sa kanya na payagan na siyang maging boksingero.

“Parang inisip ko naman, ayoko naman ‘yung parang magalit siya sa akin or baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. So, susuportahan ko na lang siya. ‘Yung prayer ko, nasa kanya naman palagi,” sey pa ni Jinkee.

Sa ngayon ay nakaka-dalawang laban na raw si Jimuel at ayon dito ay alam naman niyang hinding-hindi niya mapapantayan ang achievements at tagumpay ng kanyang ama.

Samantala, tinanggap ni Jimuel ang offer ng BNY Jeans na maging endorser dahil nagustuhan naman daw niya ang designs ng nasabing clothing brand.

And of course, aminado rin siyang isa sa mga dahilan ay ang girlfriend na si Heaven Peralejo na isa rin sa mga endorsers ng BNY.

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay mag-aartista na siya dahil ang pagi­ging boksingero pa rin ang kanyang pangarap at priority.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page