Anak ng ex-mister sa ibang babae, tanggap… MARTIN AT POPS, TOGETHER AGAIN ABROAD
- BULGAR

- Jun 12, 2019
- 1 min read

KAHIT matagal nang hiwalay sina Pops Fernandez at Martin Nievera ay nananatiling close na magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa kanilang two grown-up sons na sina Robin at Ram.
Close rin kay Pops ang isa pang anak ni Martin sa ex-girlfriend nitong si Katrina Ojeda na si Santino.
On stage, mananatiling ‘love team’ ang former couple. Magkakaroon kasi sila ng reunion concert tour sa Amerika at Canada this August and September na pinamagatang TwoGether Again 2019 na magsisimula sa The Palace Theatre in Los Angeles, California on August 10, 2019.
Ito bale ang balik-tambalan ng dating mag-asawa in years na matagal nang hindi nagsasama sa isang common concert stage.
‘Yun na!





Comments