8-anyos pinilahan at pinatay | 3 SUSPEK, KULONG HABAMBUHAY
HABAMBUHAY na pagkakakulong ang inihatol sa tatlong lalaki na responsable sa panggagahasa at pagpatay sa 8-anyos na biktima sa Jammu at Kashmir.
Ayon kay Special Prosecutor Santoh Singh, iniaapela nila ang hatol laban sa mga aquittal ng isa sa mga suspek habang dinidinig sa ibang korte ang juvenile case laban sa isa pang suspek.
Ang hindi pinangalanang biktima ay mula sa nomadic Muslim group na kilala bilang Bakarwals na dinukot habang inaalagaan ang kanyang kabayo sa bayan ng Kathua sa Jammu.
Mula nang mangyari ang insidente noong Abril 2018, marami ang nagalit at nagsagawa ng kilos-protesta sa malaking bahagi ng India.





Comments