RUNRIO TRILOGY AFROMAN RACE 2ND LEG LALARGA NA SA LINGGO

LALARGA sa Linggo ng madaling araw ang 2nd leg ng 2019 Runrio Trilogy – ang Afroman Race – sa SM Mall of Asia. Tiyak na hahamunin ang tapang, lakas at bilis ng mga mananakbo sa karerang may layong 32k.
Maliban sa Afroman, puwedeng sumali sa 21, 10 at 5k. Lahat ng kategorya ay may medalya sa finish line at may t-shirt ang 32 at 21k.
Ang Afroman Race ay kasunod ng matagumpay na 1st leg noong Abril 7 na tampok ang Half-Marathon o 21-k. Susunod ang taunang Philippine Marathon sa Set. 22 upang mabuo ang trilogy.
Maaari pang magpalista sa mga piling sangay ng Olympic Village sa Trinoma, Alabang Town Center, Glorietta 2 at Market Market at sa Sportshouse sa SM Mall of Asia. May diskuwento kung may kasama at para sa mga pamilya, barkada o mga koponan.
Marami pang mga karera ang nasa kalendaryo ng Runrio Events sa mga susunod na buwan sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Nariyan ang Runrio Gladiator Obstacle Run sa isla ng Balesin sa Hunyo 22 at ang SUN Sunrise Run sa McKinley West-Taguig City sa Hunyo 23.
Babalik muli ang Siargao International Marathon sa Hulyo 13. Magsisimula na rin ang 2019 season ng MILO Marathon sa unang qualifying race sa Urdaneta, Pangasinan sa Hulyo 14 at susundan ng Metro Manila Qualifier sa SM Mall of Asia sa Hulyo 28.





Comments