Miyembrong si Jennie, pinagtawanan daw… SIGAW NG FANS NG BLACKPINK: AWRA, MAMATAY NA SANA!
- BULGAR
- Jun 11, 2019
- 2 min read

FINALLY ay nagpaliwanag na at humingi na ng dispensa si Awra Briguela sa mga sinabi niya na hindi nagustuhan ng mga fans ng BlackPink during the meet and greet ng sikat na South Korean all-female group sa Manila held last June 6.
Isa si Awra sa mga pumunta sa meet and greet ng BlackPink kasama sina AC Bonifacio at Riva Quenery at nag-live pa sila sa Instagram habang nagaganap ang nasabing event.
During the live session ay maraming pinakawalang biro ang tatlo na hindi nagustuhan ng mga Blinks (tawag sa mga fans ng BlackPink). Isang matinding ikinagalit ng fans ay ang ginawang katatawanan daw ang kondisyon ng isa sa mga miyembro na si Jennie na that time ay masama ang pakiramdam.
Ipinost ni Awra sa kanyang Instagram account last Sunday ang kanyang panig at kasabay nito ang paghingi ng paumanhin.
“Gusto ko lang din po sana klaruhin ang lahat. Eto po talaga ang katotohanan. Mahina ako sa English, karamihan ng tao, alam ‘yan. Nu’ng binasa ko ‘yung comment sa live ni AC na ‘What can you say about other Blinks na hindi nakapunta?’ du’n pa lang natatawa na kami kasi may English ‘yung tanong, hindi dahil may mga hindi nakapunta.
“Hindi ko intensiyon na makasakit sa mga hindi nakapasok sa event.
“Nu’ng binasa ko ‘yun, walang masagot si Ate Riva & AC kasi mainit pa ‘yung issue tungkol sa Shopee. Ako naman, basa lang nang basa hanggang sa ‘di ko namalayan, awkward na pala ‘yung tanong na nabasa ko. Eh, kailangan ang sagot ko, English. Ang pinakamadaling English lang na alam ko ay ‘We love you, guys.’ Hindi ‘yung pang-aasar, sadyang mahina lang talaga ako sa English at ‘yun na ‘yung unang pumasok sa isip ko.
“Pangalawa, hindi ko intensiyon na i-disrespect si Jennie kase alam ko ‘yung pakiramdam nang i-disrespect. Aware po ako/kami na may sakit siya kaya bakit naman po kame magbibiro about sa sakit niya? Nu’ng time na ‘yun, nalito din ako sa pagkakaiba ng ‘sick’ na may sakit at ‘sick’ na parang astig.
“Tumawa kami dahil sa pag-e-English kong mali-mali, hindi dahil sa sakit ni Jennie,” ang bahagi ng paliwanag ni Awra.
Aminado ang bagets na nagkamali siya pero huwag naman daw sana siyang husgahan nang husto at pangarapin pa ng iba na mamatay na siya.
“Hindi sapat ‘yung pagkakamaling nagawa ko para sabihan n’yo ko ng salot sa lipunan kase kahit kailan, wala akong ginawang ikakaapekto ng lipunan na ito. At higit sa lahat, hindi sapat ‘yung pagkakamaling nagawa ko para i-judge n’yo ‘yung buong pagkatao ko,” ang saad pa ng post ni Awra.
Sa huli ay paulit-ulit na humingi ng tawad si Awra.
“Pasens’ya na kung walang preno ‘yung mga salita ko. Mali na minaliit ko ‘yung problema n’yo. Sana, mapatawad n’yo ako at sana, kalimutan na natin ang mga nangyari. Alam kong ang sakit na may galit sa puso kaya sana, tanggalin na natin ‘yang galit na ‘yan. Uulitin ko, sorry ulit sa inyong lahat. God bless,” ang pagtatapos ng young comedian.
Comments