top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG YUMAMAN KUNG MATUTUTONG MAG-BUDGET NG PERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Dati akong OFW at ngayon ay balak kong muling mag-abroad sa Dubai. May kaibigan kasi ako ru’n na tumutulong sa akin at nangako siya na hangga’t hindi ako nakaaalis ay susuportahan niya ako, financially.

Kaya ngayon ay nag-aayos na muli ako ng mga papeles. Pero, makapag-a-abroad ba akong muli at kailan kaya ito mangyayari? Gusto ko ring malaman ang aking masusuwerteng kulay, petsa at negosyo at kung paano ako uunlad at yayaman? October 11, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Anita ng Rosario, Lopez, Quezon

Dear Anita,

Kung ang kaibigan mong nasa Dubai na tumutulong sa iyo ay isinilang sa zodiac sign na Aquarius, Gemini, Taurus o kaya ay kapwa mo Libra na may mga birth date na 7, 16, 25, 9, 18, 27, 6, 15 at 24, tiyak ang magaganap – matu­tulungan ka niyang makapag-Dubai o makapag-abroad muli. Ngunit, kung hindi nabibilang sa nasabing mga zodiac sign at birth date ang kaarawan ng iyong kaibigang nasa Dubai, tulungan ka man niya, maaaring hindi ka rin matuloy na muling makapag-abroad.

Hinggil naman sa masusuwerteng kulay, petsa at ne­gosyo dahil ikaw ay tipikal na Libra, masuwerte ka sa kulay pula, violet at asul. Habang ayon sa birth date mong 2 at nag­kataong 2 rin ang destiny number mo (10+11+1988 =2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2), ibig sabihin, ang kulay berde ay maaari mong isaalang-alang.

Dahil 2 ang birth date mo at destiny number sa zodiac sign na Libra, ang mapalad mong mga petsa ay 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang mga araw na nabanggit ay natapat sa mga araw ng Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes, gayundin ang mga petsang 1, 10, 19 at 28, lalo na kung natapat sa araw ng Linggo.

Hinggil naman sa negosyo, dahil ang mga Libra ay tipikal o likas na magastos at masarap mag-ulam, dapat bago ka magnegosyo ay matututo ka munang magsinop ng kabuha­yan. Bilang pagsasanay sa pagnenegosyo, ngayon pa lang, dapat maging matipid ka na sapagkat ang ugali ng mga yumayaman sa negosyo tulad ng alam nating lahat ay ma­higpit humawak ng pera.

Kapag nagawa mong maghigpit sa paghawak ng pera at natuto kang magpundar at magsinop ng kabuhayan, ‘yan ang magiging simula upang ikaw ay umunlad hanggang sa tuluyang yumaman.

Tulad ng nasabi na, ang weakness ng mga Libra ay mas­yadong mahilig sa masasarap na pagkain at magagandang mga bagay tulad ng mga alahas na hindi naman napaki­kinabangan at kung anu-ano pang luho sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit kahit minsan ka ng nagkaroon ng mara­ming pera ay nawala o naubos din ito kaagad dahil tulad ng nasabi na, likas at tipikal sa Libra, ang pagiging maluho, kaya bihira sa mga Libra ang yumayaman nang todo, maliban na lang kung ang birth date ng Libra ay 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 5, 14 at 23, sila ang mga Libra na may malaking pag-asang yumaman, lalo na kung may buhay na nunal.

Subukan mo ang mga negosyong may kaugnayan sa pag­kain, pabango, pampaganda, butil, tindahan, grocery, pagde-dealer o pagde-deliver at iba pang kauri nito. Pero tulad ng nasabi na, bago ka magnegosyo, kailangan mo munang matutunang magtipid at magsinop ng kabuhayan. Kapag nagawa mo ‘yan, makikita mo, darating ang panahong kusa ka ng yayaman.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kung susundin mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad na sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2030, sa edad mong 42, makaaahon ka na sa kahirapan at unti-unti ka ng uunlad hanggang sa tuluyang yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page