Kayod para sa Pinoy


MARAMI pa rin ang hirap sa paghahanap ng trabaho, fresh graduate man o hindi.
Ito ay dahil sa skill mismatch, mabilis na pagdami ng populasyon at ‘endo’.
Kaugnay ng selebrasyon ng ika-121 Independence Day bukas Hunyo 12, bubuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko ang mahigit 70,000 trabaho sa loob at labas ng bansa para sa mga aplikante sa nakatakdang Kalayaan Job Fair.
Ayon sa DOLE, aabot sa 22 job fair sites sa buong bansa ang maaaring dayuhin ng mga naghahanap ng trabaho.
Production machine operators, production/factory workers, customer service representatives, call center agents, sewers, sales clerks, delivery crew, cashiers, service crew at marketing officers, ilan lang ang mga ito sa pinakamaraming vacancies sa lokal na trabaho.
Gayunman, bukas sa Germany, Japan, Bahrain at Kingdom of Saudi Arabia ang mga trabaho para sa cleaners, professional nurses, waiters/waitresses, service crew, company drivers, registered midwife, staff nurse, English teachers, barista, technicians at nursing aides.
Pinayuhan ng ahensiya ang mga aplikante na magdala ng maraming kopya ng resumé, 2x2 ID photos, kopya ng training certificates, diploma kung kinakailangan, PRC license kung mayroon at certificate of employment (COE) kung nagkaroon na ng trabaho.
Magandang oportunidad ito para sa mga kababayan nating patuloy na naghahanap ng trabaho kaya hindi ito dapat palampasin.
Sa paghahanap ng trabaho, kaunting tiyaga at dasal pa.





Comments