Kahit inulan ng intriga, hapi pa rin… BLACKPINK, NAGPRAMIS NA BABALIK SA 'PINAS!

KAHIT napakaraming controversies and issues sa meet and greet ng BlackPink sa ating bansa held last June 6 at SM Aura, Bonifacio Global City, tila nag-enjoy naman ang grupo in meeting their Blinks (tawag sa kanilang fans) dahil nag-post ang mga miyembro ng kanilang pasasalamat.
Si Liza ay in Tagalog pa ang post.
“Masaya akong makita kayong mga Blinks.” [English translation: “I’m happy to see you, Blinks!” Liza wrote.
Saad naman ni Jisoo in her Instagram Stories: “Philippine Blinks, I had so much fun meeting all of you. I love you! I’ll be back!”
Si Jennie, na nagkaroon ng panic attack nang araw na ‘yun and was not feeling well, also expressed her gratitude to their fans at sa Shopee na siyang nagdala sa kanila rito.
“Thank you @shopee_ph for having us today and to our Philippines Blinks for the warm welcome. I love you guys,” Jennie wrote.
Sey naman ni Rose, “Love u Philippines.”
At kahit na maraming issues, isang malaking success ang nasabing meet and greet dahil sa pagsugod ng fans sa event kabilang na ang mga kilalang celebrities natin tulad nina Kim Chiu, magkapatid na Anne and Jasmine Curtis, Glaiza de Castro, Andrea Brillantes, Maymay Entrata, atbp..





Comments