HOROSCOPE | Hunyo 11, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 11, 2019 (Martes): Sapat ang lakas ng loob mo para harapin ang anumang hamon ng iyong kapalaran. Lakas ng loob din ang iyong sandata para maabot mo ang iyong mga ambisyon sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ang sinumang sumalungat sa iyo ay mismong langit ang makababangga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng tapang sa iyong nakaraan kung kailan napagwagian mo ang mga laban sa buhay. Ito ang susi nang sa gayun ay makuha mo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-21-25-34-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Iinit ang ulo mo dahil maiinip ka. Dapat mong malaman na ang marunong maghintay ay mas maganda kaysa sa mainipin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-16-24-33-40.
CANCER (June 21- July 22) - Kapag galit ka, tumatapang ka. Maggalit-galitan ka para magawa mong sugurin ang iyong malalaking pangarap sa buhay. Hindi puwede na wala kang galit sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-24-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang binigyan ng prebilehiyo ng langit na nagsasabing, ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran ngayon. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-25-31-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan, kapag mabagal ka o kukupad-kupad, mapag-iiwanan ka ng iyong mga kasabayan at kakumpitensiya sa paghahanapbuhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-28-30-33-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang hindi mo inaasahang aalalay sa iyo ay ang iyong makaaagapay at ang inaasahan mo ay mahimalang mawawala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-30-36-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang mismong langit ang kikilos para sa mga bagay na hindi mo kaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-25-34-42-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumunod sa kagustuhan mo. Sa huli, malalaman nilang ang hindi pagsunod sa iyo ay mali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-29-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alalayan mo ang iyong sarili. Ang anumang pang-aabuso sa sarili ay pinagsisisihan. Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-18-26-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag may unos, ang lipad ng agila ay mas mataas sa makakapal na ulap. Tularan mo ang agila, huwag mo kaagad harapin ang unos ng buhay mo, kumbaga, lumayo ka muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-29-30-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matatapang at ikaw ay tatapang, dumikit ka sa mahihina ang loob at hihina rin ang loob mo. Saan ka? Eh, di sa una. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-19-22-23-36-40.




Comments