top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

GF mo, Jason, fave lang ng mga sponsors, sablay naman ang sagot… VICKIE RUSHTON, HUMAKOT NG SPECIAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2019
  • 2 min read

MARAMI ang nanghihinayang para kay Vickie Rushton, ang girlfriend ni Jason Abalos na isa sa mga kandidata sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2019 na ginanap ang coronation night last Sunday (June 9) sa Smart Araneta Coliseum at ipinalabas nang live sa ABS-CBN.

Crowd favorite kasi si Vickie at humakot pa ng special awards na ipinamigay nu’ng gabing ‘yun.

Bagama’t pumasok naman sa Top 15 si Vickie na ini-represent ang Negros Occidental, hindi na siya nakasali sa Top 6 na nag-uwi ng titulo at korona.

Ito’y matapos hindi makasagot nang maayos ang GF ni Jason sa Question and Answer portion kung saan si Daniel Padilla na isa sa mga judges ang nagta­nong kay Vickie.

Ang naging tanong ni DJ, “Why is mental health as important as physical health?”

Sagot ni Vickie, “Mental health is as important as physical health, because of our inner being. Having self-love is important. And as a woman, I can inspire and empower the people to take care of themselves, to take care of their mind as well as their health. Because they will be as effective…” na hindi na nga naituloy ang sagot dahil tapos na ang oras niya.

Sa panayam kay Vickie ni Jeff Fernando ng ABS-CBN pagkatapos ng pageant, ang paliwanag ng GF ni Jason kung bakit siya na-mental block ay na-distract siya sa isang audience na nag-make face sa kanya. But of course raw, nag-prepare naman siyempre siya sa pagsali sa Bb. Pilipinas.

As expected, nandi­yan ang ilang bashers ni Vickie na na-disappoint sa kanyang naging performance.

May isang netizen pa nga ang nagsabing “over­rated” at “sponsor’s favorite” lang ang GF ni Jason Abalos, na hindi naman pinalampas ng aktor at siyempre ay ipi­nagtanggol si Vickie.

May ilan namang nagsabing na-pressure siguro si Vickie dahil sa dami ng special awards na nakuha niya, habang may nag-comment din na na-starstruck daw siguro ito sa kaguwapuhan ni DJ na nagtanong sa kanya.

Pero marami rin namang netizens na nagtanggol kay Vickie at kabilang na nga rito ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na kahit hindi nakapunta sa coronation night dahil nagsu-shoot ng movie, nakatutok pa rin naman daw sa ginanap na pageant.

Mensahe ni Pia para kay Vickie na ipinost niya sa kanyang Instagram Story, “However, my heart also breaks for Vickie. I hope she can try again. I believe this girl is smart. Nerves can happen to even the best of us. It’s not easy to compete. Keep your chin up, Vickie.”

Oo nga naman! Kung si Pia nga, “Try and try until you succeed” ang naging motto bago naging Miss Universe, eh, di mag-join na lang uli si Vickie next year.

Samantala, ang pinalad at nag-uwi ng korona sa Bb. Pilipinas 2019 coronation night at magiging kan­didata natin sa Miss Universe 2019 ay ang 23-anyos na half-Palestinian na taga-Talisay, Cebu na si Gazini Gadanos.

Narito ang listahan ng mga nanalo sa Bini­bining Pilipinas 2019:

Miss Universe Philippines 2019 — Gazini Gadanos

Bb. Pilipinas International 2019 — Bea Patricia Magtanong

Bb. Pilipinas Supranational 2019 — Resham Ramirez Saeed

Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 — Emma Mary Tiglao

Bb. Pilipinas Grand International 2019 — Samantha Lo

Bb. Pilipinas Globe 2019 — Leren Mae Bautista

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page