top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

1922, 1934,1946,1958,1970,1982, 1994, 2006 at 2018... MGA BAGAY NA NAKATADHANA SA MGA ISINILANG SA Y

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2019
  • 2 min read

KUNG ikaw ay Aso na isinilang noong mga taong 1934 at 1994, sina­sabing, ngayong Taon ng mga Baboy, ikaw ay nakatakdang kumontrol sa anu­mang mga pangyayari sa iyong nasasa­kupan at pagkakataon mo ng mahawa­kan ang iyong kapalaran. Kaya dapat palagi kang magdesisyon ng tama at palaging unahin ang iyong kapakina­ba­ngan. Sa ganyang paraan, kapag mahu­say kang magpasya ngayong 2019, ang lahat ng mga biyaya at pagpapala na magmumula sa langit ay patuloy na ma­pasasaiyo at lalago pa nang lalago ang mga biyaya ngayong taon.

Samantala, kung ikaw ay Aso na isinilang noong mga taong 1946 at 2006, hindi ka da­pat magpabigla-bigla ngayong Taon ng mga Baboy, sa halip, ang pagiging mahina­hon at mapagpasensiya ang magdadala sa iyo sa ma­laking tagumpay at ligaya ngayong 2019.

Kung ikaw ay Aso na isinilang noong mga taong 1958 at 2018, sinasabing, magbu­buklod ang bawat araw ng matatamis at ma­sasarap na karanasan, lalo na sa piling ng iyong pa­milya at dahil sadyang babalutin ng masasarap na karanasan ang taong ito para sa iyo, ingatan mo ang pagiging sobrang ma­bait at madaling magtiwala dahil may babala ring may mga taong lalapit sa iyo upang lo­­­kohin ka.

Sila ang dapat mong ingatan upang hindi masayang ang ma­sasarap, matatamis at maga­gandang pangyayaring sigura­dong magaganap sa iyong bu­hay.

Kung ikaw ay Aso na isini­lang noong 1970, sinasabing magiging kaakit-akit ka, pero hindi lang kaaakit-akit, bagkus, mahihigop mo rin ang mara­ming suwerte at maga­gan­dang kapalaran. Magdaratingan ang mga taong tutulong at susuporta sa iyo, ang iba ay bibigyan ka ng saya at tagumpay habang mayroon ding biglang darating at pagka­kalooban ka ng malaking halaga ng salapi.

Ngunit, may paalala ang langit sa iyo kung saan anumang tagumpay at kasaga­nahan ang makamit mo, panatilihin mo ang pagiging mabait at mapagkumbaba, ibig sabihin, huwag kang magyayabang upang lalo pang dumating ang mas maraming magaganda at positibong kapalaran sa buhay mo.

Kung ikaw ay Aso na isinilang noong mga taong 1922 at 1982, sinasabing, ito ang panahong magkakaroon na nang kasagutan ang lahat ng itinatanong at hinihingi mo sa langit. Ibig sabihin, magkakatotoo na ang mga dating hiniling mo, kaya kung hindi ka pa humihiling o may idaragdag ka pang ka­hilingan, hindi pa huli ang lahat, puwede mo pa itong gawin upang ito ay matupad sa anim na buwan pang nalalabi ngayong 2019.

Dagdag pa rito, ngayong Taon ng mga Ba­boy ay hindi mo rin dapat limitahan ang iyong sarili, sa halip, iminumungkahing lahat ng naiisip mo ay gawin mo na kaagad dahil ngayong taong ito ay ibibigay sa iyo ng langit ang katuparan sa bawat aksiyong at pagkilos na iyong gagawin nang walang pag-aalin­langan.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page