top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Unfair daw na sisihin ang leading lady niya… DEREK, TODO-TANGGOL KAY ANDREA NA DAHILAN DAW NG HIWALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang breakup ni Derek Ramsay at ng long-time girlfriend niyang si Joanne Villablanca na isang model, naging usap-usapan na nagka­roon ng third party ang aktor at ang aktres na si Andrea Torres raw ang dahilan.

Kaya sa isang interview kay Derek ni Morly Alinio sa DZRH, sinagot niya ang paratang ng mga malisyosong com­menters na si Andrea ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Joanne.

Aniya, “Wala. Wala.

“That’s unfair naman to Andrea na nadadamay pa siya, kasi, leading lady ko siya.

“Andrea is a great person, and I got a great friendship with Andrea.

“Disenteng babae po si Andrea. That’s not fair na nadawit pa siya sa breakup namin.

“Unfair naman na si Andrea na sina­bihan nilang dahilan, eh, hindi naman.”

Ang Kapuso actress ang leading lady ni Derek sa comeback serye niya sa GMA Network na The Better Woman.

Ayon kay Derek, maayos ang naging hiwalayan nila ni Joanne kahit masa­kit. Inamin din niya na hindi na niya pina-follow ang dating karelasyon sa Instagram dahil nasasaktan pa rin siya kapag nakikita ang mukha ni Joanne.

Aniya, “It’s always hard naman when you separate but for now we’re giving each other space.

“Hindi ko muna siya pina-follow sa Instagram. Hindi rin niya ako pina-follow sa Instagram or whatever sa social media.

“Kasi, ‘pag nakita mo ‘yung mukha niya o nakita niya ang mukha ko, it just makes things harder.

“Mahirap. Sa both sides, not just for me, it’s really hard for her, too.

Hindi madali ang isang breakup lalo na kapag nagsama na kayo nang five years,” saad ni Derek.

Suportado rin daw ng kani-kanilang pamilya ang naging desisyon nilang dalawa.

It’s hard. Hindi kami nag-uusap pero there’s no negativity towards each other.

“We’re very mature about this. Suportado kami pareho ng pamilya.

“Nagpaalam kami nang maayos hindi lang sa isa’t isa kundi nagpaalam siya nang maayos sa magulang ko, nagpaalam ako nang maayos sa mommy niya, sa daughter niya.

“It wasn’t sigawan, murahan, ‘yung mga ganu’ng klaseng breakup. Walang ganu’n. It was mutual.

“Kung gusto niyang i-share, I’m not going to be upset with her if she wants to share it.

“But like what I said, ako… in respect to her, in respect to the relationship, that’s between Jo and I,” pahayag ni Derek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page