Pulis na pusher timbog
- Pabs Hernandez III
- Jun 10, 2019
- 1 min read
CEBU CITY—Isang pulis na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Basak Pardo sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Cpl. Rogelio Atillo, nakatalaga sa Labangon Police Station sa Cebu.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 25 gramo ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Atillo nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments