HOROSCOPE | Hunyo 10, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 10, 2019 (Lunes): Mula sa ibaba, ikaw ay iaangat ng langit kung saan tutulungan mo ang mga umaapi sa iyo. Ito ang nakamamanghang kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patitibayin ka ng langit ngayon dahil ihahanda ka Niya sa mas malalaking suwerte kung saan kapag hindi ka nakahanda ay maaaring masayang ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-24-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mabahala sa mga pagsubok sa iyong harapan, kusa ring maglalaho ang mga ito dahil ikaw ay sinusubukan lang ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-20-25-35-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na ikaw ay maaaring mairita nang mabilis. Kapag nangyayari na ito, kontrolin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay hindi na lumala pa ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-29-30-35-41-43.
CANCER (June 21- July 22) - Habang dumadapo ang patak ng hamog sa bulaklak, sumasaya ang halaman. Huwag mong katakutan ang nagbibigay sa iyo ng espesyal na atensiyon, sa halip, siya ay iyong pasalamatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-19-20-25-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ang mga lantad at lihim mong kaaway ay mag-aatrasan dahil alam nilang wala silang panalo laban sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-25-37-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi maganda ang anumang sobra, kaya suriin mo ang iyong sarili. Kapag may natagpuan kang sobra sa mga katangian mo, gumawa ka ng paraan para sa iyong ikabubuti. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-14-25-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinusukat muna ang damit bago bilhin. Sukatin mo muna ang kakayahan ng taong nagpapakita sa iyo ng pagtingin nang sa gayun ay hindi ka magsisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-22-28-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mabahala kapag may nawala sa iyo. Nakamasid sa iyo ang langit at Siya ang magpupuno ng mga bagay na nabawas sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-25-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi masama ang magpatulong. Ang masama ay ang ayaw magpatulong kahit hindi kayang mag-isa. Huwag mong tanggihan ang mga tulong na iniaalok sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-25-27-45-47.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga magsisikontra sa iyo ay papangit ang kapalaran at ang mga kukunsinti sa kagustuhan mo ay bubuwenasin. Ito ang pasya ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-24-25-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nakikita ang hangin, pero ito ay nararamdaman. Ang itinatago mong pagmamahal ay mararamdaman kaya hindi mo na ito maipagkakaila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-31-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran ngayon dahil kung sino ang iyong kinaiinisan ay siya pala ang iyong mamahalin at hindi ka papayag na siya ay maagaw pa ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-28-30-33-34.




Comments