Aktor, kahit buhay na buhay pa… BARBIE, IPINAGKALAT NA PATAY NA SI EDDIE GARCIA
- BULGAR

- Jun 10, 2019
- 1 min read

PINAGTATAWANAN ng ilang kasamahang writers ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial dahil sa nai-tweet niyang nalulungkot at nakikiramay na matapos maniwala sa fake news na kumalat kahapon na namaalam na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Yes, fake news lang na dead na si Manoy Eddie, dahil ang totoo, na-revive na ito matapos matumba sa taping ng ginagawang Kapuso serye, at ang latest ay inilipat na nga raw sa isang ospital sa Makati.
Ito ang laman ng kumalat na tweet ni Barbie…“It has always been my dream to work with the one and only oragon, Mr. Eddie Garcia. It’s so sad that he passed away. Rest in peace po, Sir. You are my inspiration. Truly an oragon.”
Dahil siguro sa pagkapahiya ay binura na rin agad kahapon ni Barbie ang kanyang tweet.
Moral lesson, check your facts before posting and spreading the news dahil usung-uso ang mga fake news.
Meanwhile, at the age of 90, dapat ay take it easy na si Manoy Eddie. But he loves acting kaya ‘di makatanggi tuwing may project na inaalok sa kanya.
Sa mga contemporary ni Manoy sa Sampaguita Pictures ay sila na lang ni Sen. Ramon Revilla, Sr. ang survivor. Nauna na sina Pancho Magalona, Dolphy, Van de Leon, Juancho Gutierrez, Tita Duran at Romeo Vasquez.
Ingat lagi, Manoy. We pray na mapanood ka pa sa pelikula at telebisyon kahit 100 years old ka na.




Comments