top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2ND LEG TRIPLE CROWN HOPEFUL STAKES RACE

Ding Taboy
Jun 10, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

MATUTUNGHAYAN na ang Philracom “2nd Leg ng Triple Crown Stakes Race” kasabay ng “2nd Leg Hopeful Stakes Race” at 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa Hunyo 23 sa Saddle & Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.

Inaabangan ang ikalawang yugto ng karera na paglalabanan ng mga bagong kalahok sa 1,800 meters na laban na pangungunahan ng first Leg Champion na Real Gold.

Puspusan ang pagsasanay ng mga kalahok na posibleng sumali sa Triple Crown sa ikalawang yugto ng karera sa Santa Ana Park. Posibleng sumabak ang Serafina, makaraang magkampeon sa 3 Year Old Locally Bred Stakes Race, sa Hopeful Stakes Race.

Nariyan din ang Hopeful Champion na si Shanghai Noon na nagwagi ng may tatlong kabayo ang layo sa pumangalawang si Phenomenal at pumangatlong si Best Regards.

Sa Triple Crown ay inaasahan ang pagsali ng Jayz, Obra Maestra, My Jopay at Boss Emong.

Naghihintay ang unang premyong P1.8 milyon sa tatanghaling panalo sa Triple Crown, tatanggap ang pangalawa ng P675,000 at P375,000 sa 3rd place at tatanggap ng P150,000 ang darating na pang-apat na puwesto.

Samantala, tatanggap ng P600,000 ang tatanghaling kampeon sa Hopeful Stakes Race, tatanggap ng P225,000 ang tatanghaling 2nd place, P125,000 sa 3rd place at P50,000 sa 4th place.

Paghahatian ang P500,000 na premyo sa 3 YO Locally Bred Stakes Race ng unang apat na kabayo na makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P300,000 ang kampeon, P112,500 sa 2nd place, P62,500 sa 3rd place at P25,000 sa 4th place.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page