100 pasyente pinatay | KILLER NURSE, KULONG HABAMBUHAY
- Jersey Sanchez
- Jun 10, 2019
- 1 min read
HABAMBUHAY na pagkakakulong ang inihatol sa serial killer na nurse dahil sa pagpatay sa 85 pasyenteng nasa pangangalaga nito.
Kinilala ang suspek na si Niels Hoegel, 42, na pinatawan ng life sentence ng District Court sa Oldenburg at itinuturing na Germany’s deadliest post-war serial killer.
Inamin ng suspek na umabot sa 100 pasyente ang kanyang napatay na nasa edad 34 hanggang 96 sa dalawang ospital mula noong 2000 hanggang 2005.
Sa nasabing bilang, 15 rito ang naibasura dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Humingi ng kapatawaran si Hoegel sa pamilya ng mga biktima at sinabing handa nitong harapin ang parusa.





Comments