top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mas mahigpit na pre-inspection sa Bureau of Customs

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2019
1 min read

BASURA, iligal na droga at iba pang kontrabando, ilan lamang ang mga ito sa laman ng dumarating na kargamento sa ating bansa.

Kaya naman marami ang hindi natutuwa dahil tila naging tambakan ng basura ang Pilipinas.

Dahil dito, pinakikilos ni Buhay Rep. Lito Atienza ang Bureau of Customs (BOC) na magpatupad ng mahigpit na pre-inspection sa mga dumarating na containers mula sa ibang bansa.

Dapat nang magpatupad ng pre-shipment inspection (PSI) ang BOC upang matigil na ang importasyon ng mga kontrabando na naglalaman ng basura o iligal na droga mula sa iba’t ibang bansa.

Sa ilalim ng pre-shipment inspection, susuriin at beberipikahin ng third party surveyors ang shipment details ng bawat container bago ito makalabas sa bansang pinanggalingan.

Sa ngayon, inoobliga lamang ang pre-inspection sa mga bulk at break-bulk cargo na liquid, granular o particulate form tulad ng krudo, petrolyo, grain, coal at iba pa.

Ang paghihigpit na ito ay kasunod ng pangamba na muling gawing tambakan ng basura ng ibang bansa ang Pilipinas gayung naghahanap ng pagdadalhan ng kanilang mga basura ang mga bansa sa North America at Europe.

Pagkatapos ng pagpasok ng mga kargamentong naglalaman ng basura at iligal na droga, hindi tayo dapat pumayag na muling makapasok sa bansa ang anumang uri ng basura at mga kontrabando kaya kung dapat maging mas mahigpit sa pag-iinspeksiyon ng mga kargamentong ipapasok sa bansa, gawin na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page