Kelot binoga ng utol
ILOILO CITY—Isang 28-anyos na lalaki ang sugatan nang barilin ng kanyang nakatatandang kapatid, kamakalawa sa Bgy. Tanza Bonifacio sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Leonel Dolendo, samantalang, ang suspek ang kuya nitong si Jaime, 33-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nagkaroon umano ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Ginagamot na sa ospital si Leonel, samantalang, kusang sumuko naman sa pulisya si Jaime.





Comments