Bukod sa pag-a-unwind, mamsh! | DAHON NG BAYABAS, EPEKTIB NA PANLABAN SA STRESS!
- BULGAR

- Jun 9, 2019
- 1 min read

BUGTUNG-bugtong, munting prinsesa, palaging nakakorona? Hmmm… bayabas! Yes, knows ba ninyo na ang dahon ng bayabas ay hindi lang basta dapat balewalain dahil ito rin ay may iba’t ibang nutrients na good para sa ating kalusugan? Wow, amazing!
Ang dahon ng bayabas o guava ay mayroong antioxidants, anti-inflammatory agents, antibacterials at tannins na nakapagpapagaling sa pananakit ng tiyan at chronic diseases tulad ng kanser.
Gayunman, tulad ng iba pang sikat na tropical fruit, ang bayabas ay keri ring gawing inumin at iba pang klase ng pagkain.
Samantala, para sa mga mahihilig uminom ng tsaa riyan, subukan ninyong pakuluan ang dahon ng bayabas na nakare-release ng beneficial substances tulad ng Vitamin C at flavonoids.
Dagdag pa rito, ang bayabas ay kering protektahan ang puso laban sa iba’t ibang sakit. Gayundin, nakai-improve ito ng sodium at potassium at nakare-regulate ng blood pressure, lalo na sa mga mayroong hypertension.
Pero, ang nakamamangha sa lahat, ang bayabas umano ay good source ng magnesium na nagre-regulate sa stress hormone cortisol, kaya kung pagod kayo at stressed, bayabas lang ang sagot diyan, mga lodi!
Ngayong alam na natin ang mga benepisyo ng dahon ng bayabas o ng mismong bunga nito, make sure na dehins tayo maging maarte sa amoy nito.
He-he-he!
Okidoki?





Comments