Babaeng nabigo sa pag-ibig dahil naging pakipot
- ROMA AMOR
- Jun 9, 2019
- 2 min read

Dear Roma, Ako si Jennie, noong college ako ay mayroon akong nakilala sa social media. Na-attract ako sa kanya nang sobra, kaya naging mabilis ang mga pangyayari, kumbaga, naging instant ang lahat. ‘Yung mutual na feelings namin ay nauwi sa pagiging mag-on. Never pa namin nakita nang personal ang isa’t isa, pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng messages niya sa akin. Pero, one day, naisip ko na hindi pa ako ganu’n ka-ready para makipag-meet sa kanya, kaya tuwing nag-i-insist siyang pumunta sa amin para magkakilala kami ng personal, hindi ako pumapayag at gumagawa ako ng kung anu-anong dahilan. Nilayuan ko siya, pero palagi niya akong nahahanap. Pero, ngayong dumating na ang puntong sigurado na akong mahal ko siya, ‘yun din ‘yung time na tuluyan na siyang bumitaw. Gusto kong ibalik ‘yung dating kami at miss na miss ko na siya. Ilang ulit ko na siyang sinubukang hanapin ulit, pero hindi ko na siya makita, sobra ko nang nami-miss ‘yung dating samahan namin. — Jennie
Jennie, Salamat sa pagbahagi mo ng iyong kuwento. Alam mo, iha, minsan sa buhay, nakagagawa tayo ng mga desisyong pinagsisisihan natin sa huli, lalo na ‘yung mga desisyong ibinase natin sa ating emosyon. Kung may nararamdaman pa rin siya para sa iyo, puwedeng siya ang maunang makipag-communicate muli sa iyo. Sabi nga nila, kung gusto, may paraan. Ngunit, may posibilidad ding ayaw ka na niyang guluhin pa kaya mas minabuti niyang huwag nang magpakita. Kung mahal mo siya, ngunit, hindi mo na siya makita at ayaw mo pang isuko, i-try mo lang, baka one time dumating din na ma-miss ka rin niyang muli. Kung para talaga kayo sa isa’t isa, darating din ang panahong magiging maayos din ang lahat sa oras at pagkakataong hindi mo inaasahan. Pagtitiwala lang sa Diyos ang kailangan. Sabi nga, prayer works!





Comments