top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Ang dating Banco Rodriguez, Bangko ng Kabuhayan na ngayon

  • Thea Janica Teh
  • Jun 9, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Makalipas ang 66 taon, ang Banco Rodriguez na kauna-unahang Rural Bank sa Pilipinas ay panga­ngalanan ng Bangko ng Kabuhayan (A Rural Bank), Inc. (BNK). Ang pagbabago ng pangalan ay patunay sa mas pinalakas na serbisyo para sa mga pangangailangan ng mga micro, small at medium enterprise.

“Ikinararangal namin ang aming sini­mulan at pinanggali­ngan. Naging bahagi kami ng komunidad mula noon hanggang ngayon kaya panatag sa amin ang aming mga customer. Matagal na nilang alam na kami ay matatag kaya sila ay nagtitiwala,” salaysay ng Bangko ng Kabuhayan management team.

Sa kagustuhan ng lupon ng bangko na hikayatin ang kanilang mga kliyente na magtayo ng sariling negosyo, ang Bangko ng Kabuhayan ay nagha­handog ng iba’t ibang uri ng micro financing facilities mula Php 30,000 hanggang Php 750,000.

Ngayon, ang Bangko ng Kabuhayan ay may mga sangay sa tatlong growth area sa Pasig, Antipolo at San Mateo. Plano nilang palawakin sa labas ng Rizal sa pama­magitan ng pagbubukas ng mas marami pang sangay sa mga pangunahing lugar sa Luzon.

“Nais naming mag­bigay sa aming kasa­lukuyan at magiging kliyente ng mas madaling paraan ng pagpopondo para makaiwas sila sa mga maaaring nakaga­wiang paraan ng pag-utang ng panimula na may kabigatan at kataasan ang tubo o interest,” ayon pa sa management team.

Ang mga customer ng Bangko ng Kabuhayan ay makaaasang panatag ang kanilang isipan dahil alam nilang ang kanilang pinag­hirapan at pinagpagurang ipon ay nasa pag-iingat ng matatag at mapagkaka­tiwalaang kaagapay ng komunidad. Maaari silang magbukas ng Regular Savings Account sa halagang P500 lamang na minimum maintaining balance. Maaari rin silang magbu­kas ng Time Deposit Account na may napaka-competitive na rate sa minimum deposit na P500, 000.

Ang bagong pagka­kakilanlan ng Bangko ng Kabuhayan ay isinasa­publiko kaugnay sa ani­bersaryo ng pagkakalagda sa Republic Act 720 o ang Creation, Organization and Operation of Rural Banks.

Para sa karagdagang impormasyon, bistahin ang kanilang website –https://www.bangkongkabuhayan.com o i-follow ang kanilang Facebook page – http://www.facebook.com/bnkph

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page