top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After magtalo sa Senado… SEN. CYNTHIA, INISNAB ANG PA-DINNER NI PACQUIAO SA MGA KAPWA SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9, 2019
  • 1 min read

USAPANG Senado na rin lang, ngayon pa lang ay mukhang nakikitaan na ng kawalan ng pagkakaisa ang ilang senador dahil matapos ngang magkaroon ng komprontasyon sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Manny Pacquiao sa loob ng Senado, balitang hindi sinipot ng una ang imbitasyon para sa inihandang dinner ng mag-asawang Pacquiao para sa mga kapwa nila senador na ginanap sa mansion ni Sen. Manny sa Makati City.

Dumating sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Present din sa dinner sina Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at maging sina Senators Gringo Honasan at Loren Legarda.

Dumating din ang mga bagong senador na sina Imee Marcos, Francis Tolentino, Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” dela Rosa at ang mga nagbabalik-Senado na sina Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla, Jr..

Maging si Sen. Jinggoy Estrada na hindi nakapasok sa Magic 12 ay nakita sa dinner, habang late namang dumating si Sen. Grace Poe.

So, ang hindi lang talaga nagpunta ay si Sen. Cynthia Villar kaya espekulasyon ng ilang netizens, hindi nito type makipagplastikan kay Sen. Manny na nakasagutan nga niya kamakailan lang sa Senado dahil sa isyu ng committee chairmanship.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page