top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

RIVALRY NG EX-PBA PLAYERS, TAMPOK SA UNTV LEGENDS CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2019
2 min read

MAAGANG pamumuno ang pakay ng San Miguel Beer at Alaska sa kanilang pagsagupa sa Linggo habang muling mag-iinit ang rivalry ng Ginebra at Purefoods sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff sa Pasig City Sports Center.

Maghaharap ang San Miguel at Alaska ng 12 noon kung saan pakay ng teams na dugtungan ang impresibong panalo sa opener ng month-long tournament kung saan ang PBA Legends Foundation ang tanging benepisyaryo.

Sinabi ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon na ang tax-free P2 million ay ibibigay sa foundation upang matulungan ang PBA players na may sakit at kailangan ng pinansiyal na tulong. Sa tikas ni two-time PBA MVP Willie Miller sa bisa ng 29 points, ibinagsak ng Alaska Milkmen ang Gin Kings, 90-83, habang sumandal ang Beermen sa well-balanced attack upang trangkuhan ang Purefoods Hotdogs, 88-68.

Kailangang ilabas ni 4-time MVP Alvin Patrimonio ang ilan sa kanyang deadly moves upang matulungan ang Hotdogs na talunin ang Ginebra Gin Kings sa kanilang 1:30 p.m. na engkuwentro. Nalimitahan lang siya sa 9 puntos ng nakaraan.Libre ang admission ayon kay Dr. Razon.

Mangunguna sa Gin Kings sina Marlou Aquino at Vince Hizon na tumapos ng 24 at 23 points. Si JayJay Helterbrand, na nagretiro na sa pro league ng nakaraang 2 taon ay inaasahang babanat muli sa nakaraang 6 na puntos na ambag. Limang players ang nag-double-digit scores sa Beermen sa opener mula kina Chris Calaguio at Kiko Adriano sa 16 at 15 points, habang sina dating MVP winners Allan Caidic at Danny Ildefonso ay may pinagsamang 27 points.

Inaasahan si MPBL Commissioner at one-time MVP Kenneth Duremdes na maglalaro para sa Milkmen. “Wala pa sa kondisyon pero, try ko makatulong sa team,” ani Duremdes. (VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page