Ngayong hiwalay na… PIKTYUR NI DEREK, BURADO NA SA IG NG EX-GF
- BULGAR

- Jun 8, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Disappointed ang mga netizens na gustong mag-comment sa Instagram (IG) ni Derek Ramsay sa balitang break na sila ni Joanne Villablanca. Naka-set sa private ang IG ni Derek, kaya hindi mapasok ng hindi niya kaibigan.
Open naman ang IG ni Joanne, pero kapansin-pansin na dinelete na niya ang lahat ng photos nila ni Derek at wala siyang itinira kahit isa.
The last time na napasok namin ang IG ni Derek, may nakita pa kaming three pictures dito ni Joanne. Pero dahil naka-private na ang IG niya, hindi na namin alam kung binura na rin ba niya ang mga ito o nandu’n pa rin.
Kahit walang kinalaman si Andrea Torres sa breakup nina Derek at Joanne, nadadamay siya dahil magkasama sila sa primetime series ng GMA-7 na The Better Woman. Naging isyu rin na si Andrea at hindi si Joanne ang kasama ni Derek nang dumalo ito sa pa-party ng British Manila para sa 93rd birthday ng Queen of England.
May naniniwala namang promo lang para sa airing ng The Better Woman ang sighting kina Derek at Andrea sa party ng British Manila, nataon lang sa balitang break na sina Derek at Joanne.





Comments