HOROSCOPE | Hunyo 8, 2019 (Sabado)
- BULGAR

- Jun 8, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 8, 2019 (Sabado): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay kung saan magiging mayaman ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo mapipigilan ang salita ng hula na sa araw na ito ay maaakit ka sa maganda. Huwag kang mag-alala! Gamitin mong inspirasyon sa buhay ang magaganda sa paningin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-13-21-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa todong-lakas ang puwersa mo. Ang payo ay nagsasabing, ituon mo ito sa pagpapalago ng kabuhayan. Kung puwede ay huwag mo itong hayaang mapunta sa iba pang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-22-27-39-44.
GEMINI (May 21- June 20) - Nakaaakit ang mga kilos mo. Ang totoo, nasa kilos mo ang napakalakas na gayuma na nagsasabing, ang taong may matigas na puso at kalooban ay lalambot at manghihina. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-28-39-42.
CANCER (June 21- July 22) - Muling dumating ang araw na mapalad ka. Ibig sabihin, ang mga kagustuhan mo ay isa-isang nangyayari sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-16-20-21-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtataka ka sa sarili mo dahil ang dating ayaw mo ay sobrang mapapalapit sa iyo at kung magtatagal pa ang ganitong sitwasyon, kayo ay magkakatuluyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-19-21-25-30-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa sa iyo na ngayon ang mga susi patungo sa tagumpay. Ang kailangan mo na lang ay buksan ang mga pintuan ng oportunidad na magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-14-22-24-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang ay kaagad na kikilos ang langit para pagbigyan ka. Huwag mo ng habaan at lagyan ng dekorasyon ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-26-31-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang sigla ang mapasasaiyo. Sobra ito sa sapat para maiangat mo pa ang iyong buhay. Huwag mong sayangin ang magandang araw na ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-8-11-24-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Labanan mo ang nararamdaman mo. Hindi lahat ng pag-ibig ay mabuti sa tao. Ituring na tukso ang nagpapakita sa iyo ng espesyal na pagtingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-24-26-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maraming kulay ang rainbow kaya ito ay isa sa pinakamagandang bagay sa mundo. Sa ngayon, tinitiyak na magiging makulay ang mga kaganapan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-14-29-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong akalain na ikaw ay mahina at ang mga kalaban mo ay mas malakas kaysa sa iyo. Ang hindi mo alam, nadarama nila na sila ay walang laban sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-32-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat ay gumagalaw! Kaya, wala kang katwiran para magmukmok sa bahay. Kumilos ka at maglibang! Ito ang sikreto nang sa gayun ay gumana ang iyong mga suwerte sa katawan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-19-25-38-43.




Comments