top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ex ni Pauleen, beauty queen ang bago… BIANCA, INAMIN NA NI SEN. GATCHALIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2019
2 min read

NAKAUSAP namin si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian nang maging resource speaker siya sa Pandesal Forum na ginanap sa Kamuning Bakery ng writer-entrepreneur na si Wilson Flores last Thursday.

Kinumusta namin siya ngayong may mga bago silang makakasama sa Senado dahil sa mga first time senators tulad nina dating PNP Chief Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Imee Marcos at Francis Tolentino.

Ayon sa senador, excited siya dahil mula sa iba’t ibang fields ang mga bagong papasok na senador, so marami raw puwedeng maging input ang mga ito base sa kanilang mga experiences sa mga pinanggalingang larangan.

Ipinagtanggol din niya si Gen. Bato dahil sa statement nitong saka pa lang mag-aaral ng gagawin sa Senado ngayong nakapasok na.

Naniniwala raw si Sen. Win na “smart” ang dating PNP chief dahil hindi naman daw ito makakapasok sa PNPA at magiging general kung walang utak tulad ng inaakusa rito ng mga netizens.

Samantala, a few months ago, may nakapag­tsika sa amin na si Bianca Manalo ang bagong apple of the eye ni Sen. Sherwin. May nakakita raw kasi sa kanilang nagdi-dinner sa isang hotel.

Hindi naman nag-deny ang senador na nagde-date sila ng beauty queen-actress pa­minsan-min­san, pero wala siyang kinumpirma na girl­friend na niya ito. Tanungin na lang daw si Bianca kung ano’ng meron sila.

Natanong din ang senador kung bakit ‘di pa siya nag-aasawa hanggang ngayon to think na 45 yrs. old na siya. Naunahan na siyang mag-asawa ng ex-GF niyang si Pauleen Luna.

Natatawang sagot ng tsinitong senador, “Darating ‘yan sa tamang panahon.”

And speaking of Pauleen, tinanong nga namin siya kung friends pa rin ba sila ng kanyang ex-GF na misis na ngayon ni Bossing Vic Sotto.

Nakangiting sagot ni Sen. Win, oo naman daw pero wala na silang communication.

Pero si Bossing Vic daw, nakita na niya minsan sa isang event dahil kapartido niya ang kapatid nitong si Sen. Tito Sotto. Na-starstruck daw siya kay Bossing.

Sabi pa niya, “Sino ba’ng hindi mai-starstruck sa kanya, bata pa ako, napapanood ko na siya?”

Eh, ‘yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page