Utol, marami raw death threats… HIRIT NI RAFFY: ERWIN, 'WAG TANGGALAN NG BARIL PARA KAYANG MAKIP

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI napigilan ni Raffy Tulfo na magsalita ulit sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang kapatid na si Erwin at ni DSWD Secretary Rolando Bautista.
Matapos tanggalin ang kanilang mga security, nanawagan naman si Raffy Tulfo na ‘wag tanggalin ang karapatan ng kanyang kapatid na magdala ng baril.
Ayon kay Raffy, nalalagay sa peligro ang buhay ng kanyang kapatid dahil marami itong death threats na natatanggap, kaya magiging delikado kung wala itong dalang armas.
Aniya, “I have to do something to protect my brother...
“Kung meron man po sa inyo na gustong patayin si Erwin, at least, ‘wag n’yo po tanggalan ng baril para may panlaban naman siya para level ang playing field, puwede kayo magbarilan.
“Alam ko, lalaban si Erwin. Marunong sa baril si Erwin. So, kung ambush-in ninyo siya, at least, meron siyang baril para lumaban sa inyo.”





Comments