Laborer tiklo sa shabu at boga
ZAMBOANGA CITY—Isang laborer ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at baril, kamakalawa sa Bgy. Tumaga sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Aslam Musli, residente ng Bgy. Rio Hondo sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Musli na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments