top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Anak, suportado raw, Jodi… BONG, NAGSALITA NA SA KASAL NINA JOLO AT BEAUTY QUEEN GF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7, 2019
  • 1 min read

SA katatapos na 35th Star Awards for Movies ay naka­panayam namin si Senator-elect Bong Revilla, Jr. na sina­mahan ang amang si Ramon Revilla, Sr. na isa sa mga pina­rangalan ng Mga Natata­nging Bituin ng Siglo award para sa ika-100 taong anibersaryo ng Philippine Cinema.

Agad naming tinanong ang actor-politician sa nababa­litang engagement daw ng anak na si Vice-Gov. Jolo Revilla at ng girlfriend nitong si Angelica Alita na kinoronahan bilang Bb. Pilipinas 2016 first runner-up.

Ayon kay Sen. Bong ay hintayin na lang ang final announcement ng anak. Pero masaya siya at suportado si Jolo kung saan ito magiging maligaya.

Labis din ang pasasalamat ni Bong sa lahat ng bumoto sa kanya kung saan muli siyang nakapasok sa Magic 12 Senators.

Sa ngayon, ang pokus muna ni Sen. Bong ay ang mga trabaho niya bilang senador at ‘pag stable na ang lahat ay saka niya pag-iisipan ang pagbabalik-showbiz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page