2-1 NA ANG RAPTORS LEONARD, BUMIBIDA


NAKADALAWA na ang Toronto Raptors laban sa Golden State Warriors sa championship round, binigo ang kaisa-isang inaasahan na si Stephen Curry sa Game 3 ng NBA Finals.
Tiniyak ng Toronto Raptors stars na kahit ang isang supernova performance ni Curry ay kanilang pipigilan para sa 2-1 marka.
Umiskor si Kawhi Leonard ng 30 points, 15 sa third quarter, habang dumagdag si Kyle Lowry ng 23 points at 9 assists nang manaig ang Raptors sa Golden State Warriors, 123-109.
Sina Danny Green, na nagwagi ng championship kasama si Leonard sa San Antonio Spurs, ay may kakaibang estratehiya, nakabanat sila ng anim na 3-pointers, karamihan ay pawang sa krusyal na minuto ng laro. Nakagawa siya ng 18 points.
“They never make anything easy and Steph is a two-time MVP,” saad ni Lowry. “For us, we need to just stay locked into the game plan. We can’t have any mental lapses, that’s what hurts us. We’ve just got to continue to work, play hard and stay level headed.” Halos walang inaksayang oras si Curry kahapon at marami rin siyang nagawang iskor.
Umiskor ng playoff career-high 47 points, 14-of-31 shooting at may anim na 3-pointers. Bumanat din ng 13 of 14 mula sa foul line.
Tumapos siya ng 8 rebounds, 7 assists at 2 steals para tiyakin na ang Warriors ay didikit sa dumidistansiyang Toronto.
Pero ang kakulangan nila sa star players ang nagpahina sa defending champions.
Abangan natin ang susunod na serye ng laban sa Game 4 kung mapapanatili ng Raptors ang kanilang momentum lalo na at sa balwarte ng Warriors idaraos ang laro. (MC)





Comments