TODO INJURED ANG GSW, SI CURRY ANG INAASAHAN


HILAHOD ngayon ang Golden State Warriors dahil na rin sa rami ng injuries na dinaranas ng kanilang mga players at tanging si Stephen Curry na lamang ang kanilang aasahan. Ang puso at determinasyon na lamang ng team ang kanilang isusugal ngayong Game 3 ng NBA Finals sa gitna ng pagpapagaling ng kanilang mga players, makuha lamang ang ika-5 nilang kampeonato sa loob ng 5 taon na pagpasok nila sa final game.
Dahil wala pa rin daw si Kevin Durant sa Game 3 at hindi makalalaro, nasundan pa ng pagdanas ng hamstring strain ng sharp shooter guard na si Klay Thompson maging ni Kevon Looney na wala rin sa naturang serye, tiyak na si Curry lamang ang siyang babalikat sa lahat ng paraan upang magtagumpay ang Warriors.
Hindi maitatangging si Curry ang pinakamalupet na shooter sa NBA history, lider siya ngayon ng Warriors at napatunayan na ang kanyang abilidad para dalhin ang isang team sa panalo, isang player na magandang ehemplo ng kapwa niya player dahil sa kanyang work ethic at abilidad na mamuno sa koponan sa isang iglap lamang at nanalo na.
“Where he’s grown is his awareness, his understanding of what needs to happen, what he needs to do when other guys are out, just sort of game management stuff,” ayon kay Warriors head coach Steve Kerr sa mga reporters kahapon. “But he’s always been the same person. I think that’s the beauty of Steph. He doesn’t change. He’s a rock. Our guys lean on him all the time.”
Kung sakali lang at hindi makalalaro si Thompson ngayong araw sa Oakland, kailangan ng Warriors ng isang vintage performance mula kay Curry sa papainit na best-of-seven NBA Finals kontra Toronto Raptors na parehong may tig-isang panalo sa dalawang unang laro.
Sinabi ni Curry na sa kabila ng injuries sa kanyang teammates, hindi niya rin kailangang magbago ng estilo sa laro na ilang ulit nang patunay sa mga pivotal games na nagwagi ang team at nagkampeon at ito ay pipilitin niyang isakatuparan sa Game 3 na hawak ang 31-7 na series record.
“We all just understand the moment and we’re very locked in and focused on adapting to the circumstances that are thrown at us right now with a lot of injuries and kind of uncertainty of even who is going to be able to play,” saad ni Curry. “We have been through a lot, had a lot of different experiences. This is just adding to that book. So we have to be ready.” (ATD/MC)





Comments