Relasyon, nanganganib kaya pumalag na… GF NG AKTOR, TINAWAG NG KAMPO NG EX NA AKTRES NA HALIPAROT, R
BLIND ITEM:
AYA naman pala kinailangan nang depensahan ng isang aktor ang non-showbiz GF niya ay dahil grabe na ang pamba-bash kay girl ng mga fans ng aktor at ng ex-GF nito.
May nabasa kaming tinawag na “haliparot”, “retokada”, “epal”, “manloloko” at “painosente” ang GF ng aktor.
Ang pinakamatindi, inakusahan ang girl na inuubos nito ang pera ng aktor at ‘pag namulubi raw ang BF niya, alam nang siya ang may kasalanan.
‘Kaloka, ‘di ba? Wala namang kasalanan ang aktor at ang GF nito, nagkainlaban lang silang dalawa.
Saka, walang GF ang aktor nang manligaw sa girl at ang nakita lang na problema, may fans ito at ang ex-GF niya na umaasang magkakabalikan sila, lalo na at nagpaasa raw ang aktor.
Anyway, sana, maka-move on na ang mga fans ng aktor at ex-GF nito dahil ang dalawa, nakapag-move on na. Hindi na nga sila friends at hindi na pina-follow ang isa’t isa sa social media.





Comments