top of page
Pokwang.jpg

Kapuso actress, pine-pressure… GABBI, PINALILIPAT SA DOS DAHIL SA BF NA SI KHALIL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2019
2 min read

Nitz Miralles / BIDA

HINDI maikakailang in a relationship sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia dahil ang daming pictures ng Kapuso actress sa Instagram (IG) ng aktor.

May mga litratong magkayakap ang dalawa at malaya ring ipinahahayag ni Khalil na mahal niya ang aktres.

Ang favorite namin sa mga ipinost ni Khalil ay ‘yung video na ginulat ng aktor ang aktres habang may hawak na eye curler at inaayos ang lashes. Sobrang nagulat si Gabbi, mabuti na lang at hindi niya nahila ang mga lashes niya.

Nagwo-work ang relasyon nina Gabbi at Khalil kahit hindi sila magkasama ng network at hindi magka-love team.

Nabanggit na rin ng dalawa na mas okay na hindi sila love team, kaya ‘wag nang kumbinsihin ng mga fans si Gabbi na umalis sa GMA-7 ang aktres at lumipat sa ABS-CBN.

Samantala, tuluy-tuloy ang training ni Gabbi para sa action series na gagawin sa Kapuso Network na Rosang Agimat daw ang title.

Pagkatapos ng firing at gun training, may arnis training pa. Sumabak naman si Gabbi sa Krav Maga training with Victor Neri na kasama rin sa cast.

Ang Krav Maga ay isang Israeli method of self-defense kung saan pinagsama ang aikido, boxing, judo, karate, wrestling at realistic fight training.

Nag-post si Gabbi ng video ng first day training nila ni Victor at pinuri ang aktres ng kanyang Krav Maga instructor.

Hindi lang ang mga fans ni Gabbi ang excited na mapanood na ang Rosang Agimat (o kung anuman ang magiging title ng action series) kung saan mag-a-action at fight scenes ang aktres.

Bida rin si Eddie Garcia sa action series at kasama nila sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Jeric Gonzales, Gil Cuerva, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Luz Valdez, Betong Sumaya at Ms. Celia Rodriguez.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page