Helicopter na may dalang kotse na humampas sa pader ng bahay

Salaminin natin ang panaginip ni Sophia ng Sophia_Clarizze@face-book.com
Dear Professor,
Nanaginip ‘yung anak kong panganay, may helicopter daw na may dalang kotse at naihampas ng helicopter ‘yung kotse sa pader ng bahay namin, nasira raw ang pader, pero hindi nasira ang bahay namin na yari lang sa kahoy.
Ano ang interpretasyon ninyo rito?
Naghihintay,
Sophia
Sa iyo Sophia,
Nagbababala ang panaginip ng anak mo na may malaking problemang kakatok sa kapalaran ninyo.
Gayunman, hindi nito masisira ang inyong pamilya dahil ito ay babala at hindi hula.
Anu-ano ang puwede ninyong gawin para maging matatag ang inyong pamilya:
Bawat miyembro ay mag-ingat at hindi dapat makisali sa gulo.
Ang bawat isa ay dapat pairalin ang kababaang-loob at kontrolin ang bugso ng damdamin.
Lumayo kayo sa tukso.
Iwasan ang mga taong puwedeng makasira ng buhay.
Pahalagahan ang sariling kaligtasan, gayundin ang pamilya.
Umiwas sa paggawa ng masama.
Iwasan din ang makagawa ng mga bagay na iligal o labag sa batas.
Palaging manalangin sa kinikilalang Diyos.
Pakinggan mo ang babala ng panaginip ng iyong anak. Walang masama kung makikinig ka, pero, sa hindi pakikinig, pagsisisi sa huli ang puwedeng mangyari.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments