2nd LEG TRIPLE CROWN STAKES RACE, ABANGAN

MAGAGANAP ang 2nd Leg “Triple Crown Stakes Race” sa Hunyo 23 sa Saddle & Clubs Leisure Park, sa Naic, Cavite.
Nakataya ang P3-M na guaranteed prizes na hahatiin sa unang premyo na P1.8 milyon, sa 1st place, P675,000 sa 2nd place, P375,000 sa 3rd place at P150,000 sa 4th place. Ang nominasyon ay magaganap sa Hunyo 11 habang ang deklarasyon ay magaganap sa Hunyo 17.
Samanta, mahigpit na maglalaban ngayong gabi ang mga kalahok sa “Additional One In Group Races” sa Santa Ana Park. Magkakaharap sa Group Race (10) ang 9 na kalahok at pinapaboran ang Oceanside at Show Off habang magsisilbing kalaban ang couple entry na Cole Is Bright at Bowties and Charms, Love Affair at Liliput sa Race 1 na umpisa ng Pick 6.
Sa Race 2, balikatan ang laban sa Condition Race (20) sa pagitan ng mga kalahok na Pilya, Expensive at Dimakya Island kasabay ng Pick 5. Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Manila Boy at couple entry na Fort Mckinley, Faithful Wife at Magic Carpet Ride, na umpisa ng Pick 4.
Nakalalamang ang couple entry na Ultimate Royale at Charger laban sa mga kalaban na sina Tap Gunner, Olympic Gold at Alahero sa Race 4. Sa Race 5, nakalalamang ang Suberbia sa Santelmo at Italiana.
Nakasalang ang Speak Easy, habang magiging banta ang mga kalahok na Jade Treasure, Artikulo Uno, Cats Dream at Wild Talk sa Race 6. Tip ni Mang Ding: Race 1- Show Off (4) Oceanside (5) Race 2- Dimakya Island (2) Expensive Race 3- Manila Boy (1) Magic Carpet Ride (5) Race 4- Entry no.3 Alahero (5) Olympic Gold (4) Race 5 Suberbia (1) Santelmo (3) Race 6- Speak Easy (5) Jade Treasure (1) Artikulo Uno (6).





Comments