top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Proud na todo-kuwento sa TV… VICE, UNTI-UNTI NANG IBINUBUKING ANG RELASYON NILA NI ION PARA TANGGAP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2019
2 min read

MULI na namang nagpakawala ng “clue” ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa relasyon nila ng It’s Showtime’s Kuya Escort na si Ion Perez.

Sa portion ng Kapare-Who kahapon (Tuesday) ay umaatikabong kantiyaw na naman ang inabot ni Vice sa mga kasamang hosts sa It’s Showtime.

Sa kakatsika kasi ni Vice ng kung anu-anong joke ha­bang ini-interview si Ion at si Jackque Gonzaga ay bigla siyang nagkuwento.

“Alam mo kanina pag­gising ko, nakita ko si Ion, kina­kausap ‘yung kaibigan ko,” tuluy-tuloy na sabi ni Vice.

Dito sumingit ang kasa­ma­hang host ni Vice na tila gustong linawin ang pahayag ng komedyante tungkol sa ‘paggising’ niya.

Saka naman na-realize ni Vice kung ano ang naging in­ter­pretasyon ng sinabi niya, kaya natigilan siya at ‘di muna itinuloy ang kuwento.

Ano pa nga ba ang iisipin ng mga televiewers sa sinabi ni Vice kundi ang magkasama silang natulog ni Ion, ‘di ba?

Bigla tuloy naming ikino­nek ang mga sinabi ni Vhong Navarro kay Vice tungkol sa suot niyang blazer at shorts earlier sa show. Wala raw suot na salawal si Vice at isinuot pa niya ang blazer ng boyfriend niya.

Tinanong pa ni Vice kung sino ba ‘yung boyfriend niya na sinasabi ni Vhong. Say naman ni Vhong, “Gusto mo, sabihin ko (ang) pangalan niya?”

Idinaan na lang ni Vice sa sayaw ang panunukso sa kanya ni Vhong. Pero biglang pinatugtog ng DJ sa It’s Showtime ang music ni Ion tuwing pinapasayaw siya na sinabayan naman ni Vice ng sayaw na tulad ng dance steps na ginagawa ni Kuya Escort.

Ano ‘to? Kinokondisyon na ba ni Vice ang mga viewers ng It’s Showtime para sa nalalapit na hayagang pag-amin nila ni Ion at tanggapin ang anumang namamagitan sa kanila?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page