PERLAS PILIPINAS, WAGI VS. MONGOLIA SA 3X3 18-UNDER

NAGPAMALAS ng husay ang Perlas Pilipinas para sa pagkopo ng isang panalo sa FIBA 3x3 Under-18 World Cup makaraang talunin ang Mongolia, 20-14, noong Lunes sa Ulaanbaatar, Mongolia.
Ang koponan nina Camille Clarin, Ella Fajardo, Angel Surada at Karl Ann Pingol ay nasungkit ang isang panalo matapos daigin ang Mongolia, 20-14, para tapusin ang Pool C na may 1-1 na kartada.
Naging masama ang simula ng kampanya para sa Perlas Pilipinas sa naturang torneo matapos silang tambakan ng France sa iskor na 22-2. Ang koponan ng France ang tinuturing na third-seed sa kompetisyon at nagtapos na pang-anim sa nakaraang edisyon noong 2017.
Ngunit bumawi ang Perlas Pilipinas sa kanilang laro kontra Mongolia. Naka-una ang Mongolia, 4-3, ngunit agad nakuha ng Pilipinas ang kontrol ng laro sa pagsikwat ng 12-7 na abanse.
Tangka ng Perlas Pilipinas na umabanse sa susunod na mga laro sa kanilang pagharap kontra Netherlands at Czech Republic ngayong araw.





Comments