Mga below the belt na banat, 'di kinampihan ng utol… ERWIN, NAGSORI LANG KAY SEC. BAUTISTA DAHIL

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NABABATIKOS na naman ngayon si Erwin Tulfo matapos magbato ng maiinit na pahayag laban kay DSWD (Department of Social and Welfare Development) Secretary Rolando Bautista na dating general din ng Philippine Army.
Ang siste, tumanggi si Bautista na magpa-interview on-air kay Erwin sa radio show nito. Dahil dito, nagmura at nagsabi ng kung anu-ano si Tulfo laban sa dating PMA general habang live ang kanyang show.
Aniya, “Sampalin kita ‘pag nakita kitang buang ka, eh, wala akong pakialam kung retired general ka, ngudngurin ko ‘yung mukha mo sa inidoro.
“Demonyo ka, isa ka pa, dagdag ka sa problema.”
Maraming journalists, netizens at miyembro ng military ang nag-react sa sinabi ni Erwin on-air. Hindi rin ito nakalagpas sa senator-elect at dating PNP chief na si Ronald “Bato” dela Rosa na dinepensahan din si Bautista.
Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Bato ang paghanga niya sa DSWD secretary at ka-brother niya sa PMA.
Aniya, “Kung sino man ang gustong mambastos at manakit sa napakabait at napakamaginoong upperclassman ko na ito, dumaan muna kayo sa akin para matikman ninyo ang brotherhood ng PMAyers.”
Samantala, kahit close pa sila ng kanyang kapatid, hindi sang-ayon si Raffy Tulfo sa ginawang pagsasalita ng masama ni Erwin laban kay Sec. Bautista.
Ayon sa TV5 broadcast-journalist na si Raffy, pinayuhan na niya ang kanyang kapatid na humingi ng tawad sa ginawa nito. Sinabi rin niya na hindi sapat ang unang paghingi ng tawad ni Erwin kay Sec. Bautista.
Aniya, “That was very, very wrong… It was below the belt. Tinawagan ko siya this weekend, sinabi ko sa kanya, ‘Erwin, no amount of explanation can justify that action. Maling-mali ka doon, ‘tol…’
“If I were you, kasi napakinggan ko ‘yung interview mo na nagbigay ka ng apology, medyo hilaw ‘yun, ‘tol. Kung puwede, humingi ka pa ng another public apology, this time, magpakita ka ng sincerity para makita talaga nila na nagpapakumbaba ka…
“Ginawa ni Erwin ‘yan kanina [sa interview], nag-apologize siya just like what I asked him to do… Nagpakumbaba siya. And for that, sumasaludo ako sa kanya…”





Comments