top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kapuso star, after mag-phonepatch sa noontime show… WILLIE, GUSTONG MAG-GUEST SA IT'S SHOWTIME,

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2019
2 min read

ISANG pambihirang pagkakataon at hindi sina­sadyang marinig ang boses ng Wowowin host na si Willie Revillame sa programang It’s Show­time last Monday (June 3).

Una, nangyari ang ‘di inaasahang pagpo-phone patch kay Willie sa prog­rama nang ‘di sinasadyang mabanggit ng TNT contestant na si Clyde Bo­rongan ang programang Wowowin dahil kaarawan nito nu’ng araw ding ‘yun at nais niyang matupad ang isang hiling na mabigyan ng regalo ang kanyang anak.

Dahil sa pagkakabanggit ng contestant sa Wowo­win, biniro ni Vice si Clyde na manawagan kay Willie.

“Ano’ng gusto mong regalo, jacket, cellphone at 5 thousand cash?” biro ni Vice.

Bagama’t nauna nang ipinangako ni Vice sa TNT contestant na magbibigay siya ng P10,000 para sa pambili ng laruang lumilipad (drone) ng anak ni Clyde, nagkusa ring ibigay ni Mitoy Yonting ang suot na jacket kay Clyde at ganu’n din ang punong hurado na si Rey Valera na ibinigay ang suot na relo sa mapalad na contestant.

Ang Tawag ng Tanghalan hurado na si Ogie Alcasid ang gumawa ng paraan upang ma­kausap ng It’s Show­time hosts na sina Vice Ganda at Mariel Rodriguez si Willie nang live via phone patch.

Sa pambubuyo ni Vice, tinawagan ni Ogie si Willie sa cellphone nito.

Agad namang sumagot sa linya si Willie, at umpisa ni Vice, “Gusto kasi ng Tawag ng Tanghalan contestant mula sa Iligan City na si Clyde Boro­ngan, na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan, na mabig­yan siya ng drone para sa kanyang anak na lalaki.”

Bungad ni Willie, “Vice, Ogie, ipapaalala ko lang na dati kong timeslot ‘yan na kinuha ninyo,” na of course, alam mong pabiro.

Dating host ng Kapamilya noontime show na Wowowee si Willie, ngunit nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang TV host at management hanggang sa lisanin nito ang ABS-CBN nine years ago.

Anyway, pumayag din ang Kapuso TV host na ibili ng drone si Borongan, na idineklara ring daily winner ng Tawag ng Tanghalan.

Bago pa ito, nagbiro muli si Willie kay Vice, “Abono­han mo muna,” sabay tawa.

Muling humirit ng biro si Willie, “Puwede ba akong mag-guest diyan?”

Sagot ni Vice, “Ay, oo, Kuya Wil! Ngayon din, halika na!”

Sabi ni Willie, “Hahahaha, huwag! Baka matanggal na naman ako.

“Lagi na lang akong natatanggal sa istasyon. Baka matanggal na naman ako.”

Sagot ni Vice, “Huwag kang mag-alala, bago ka matanggal, kami muna!” na tawang-tawa habang naki­ki­pag-usap kay Willie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page