HOROSCOPE | Hunyo 5, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jun 5, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 5, 2019 (Miyerkules): Hindi magbabago ang pag-angat ng iyong kapalaran kahit pa may pagkakataong parang hindi umuusad ang iyong buhay dahil ang langit mismo ang nagdikta nito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka! Ang pagdating ng bagong panahon sa buhay ng tao ay dapat pinaghahandaan. Ito ay tulad ng pagpi-fiesta ng mga tao kapag magpapalit ang takdang panahon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-18-20-23-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit kapag ang kahilingin mo ay para sa pagpapaunlad ng buhay mo. Ang iba pang kahilingan na walang kinalaman sa kabuhayan ay malabong pagbigyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-20-26-30-33.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw na naririnig mo. Ituloy mo ang iyong mga plano. Makaaasa ka na ang bendisyon ng langit ay ipagkakaloob sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-21-26-34.
CANCER (June 21- July 22) - Napansin mo ba na ang mga angat sa buhay ay nakatutok sa iyo? Mag-ingat ka! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Wala kang maaasahang tulong mula sa iyong kapwa. Bakit? Dahil ikaw mismo ang tutulong sa kanila. Ito ang papel mo sa mundo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-26-30-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong magpapaangat sa kalagayan ng mga nasa ibaba. Ang mga mata ng langit ay nakasubaybay sa mga taong nagmamahal sa mga kapus-palad at walang-wala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-24-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isipin mo na may mga bagay na kailangang itapon ang tao na kapag nagawa niya ay biglang magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Itapon mo ang mga nagbibigay sa iyo ng lungkot. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-24-30-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilabas mo ang iyong mga lumang gamit na puwede pang gamitin. Ito mismo ang pampasuwerte mo. Itago mong muli ito at ingatan at muli mong ilabas kapag gusto mong buwenasin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-15-21-29-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong malalaking kahilingan. Makaaasa ka na kahit may pagkaimposible ay tiyak na ito ay mangyayari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-17-21-27-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Angat na angat ka ngayon. Ito ay masasayang balita para sa iyo, pero para sa mga naiinggit sa iyo, ito ay hindi maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-22-28-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatanggap ka ngayon ng regalo. Itago mo ito dahil ito mismo ang pampasuwerte mo. Kapag napansin mong hindi maganda ang araw na ito para sa iyo at saka mo ito gamitin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-30-36-41-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makababahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malalaki at marami ang mapasaiyo, ang mga hindi mo na ginagamit na paborito mo ay ipamigay mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-11-19-22-38.




Comments