VETERAN MILLER AT ADRIANO BIDA SA PBA LEGENDS FACE-OFF


TUMINGKAD ang laro ni two-time MVP Willie Miller at Kiko Adriano nang talunin ng Alaska Milk ang Ginebra sa pagsisimula ng UNTV Cup PBA Legends Faceoff noong Linggo sa Pasig City Sports Center.May ibubuga pa si Miller ng 29 points sa isang impresibong 5-of-13 shooting upang iangat ang team Gatas sa 90-83 win kontra Ginebra Kings habang solido naman si Adriano sa kanyang all-around performance nang dominahin ng San Miguel Beermen ang Purefoods Hotdogs, 88-68.
Limang players ang umiskor ng double figures para sa Beermen pero si Adriano ang bumida sa pagposte ng 15 points, 5 assists, 3 rebounds at steal sa event ng UNTV, sa pamumuno ni CEO at president Dr. Daniel Razon, na magtitipon ng P2 million para sa Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas Foundation Inc., (dating PBA Legends Foundation) sa pagtatapos ng month-long tournament.Kasama ni Razon ang foundation chairman at isa sa stars Crispa squad sa ceremonial toss sa isang maigsing opening ceremony kung saan ang mga dating PBA players ay naroon. Bumida rin si Chris Calaguio sa Beermen na may 16 points habang si dating MVPs Danny Ildefonso at si Allan Caidic ay may 14 at 13 points at 10 puntos si Nic Belasco.
Nagparamdam din si Paul Alvarez sa bisa ng six points habang si Olsen Racela ay may 5 para sa Beermen na haharapin ang Milkmen sa Linggo. Pinamunuan ni Marlou Aquino, na lumaro rin sa 2nd MPBL season ang Ginebra na may 24 points kasunod ni Vince Hizon na may 23.Sina Dwight Lago at Roger Yap ang tanging double-digit scorers para sa Hotdogs sa bisa ng 14 at 11 points.Nalimitahan lang sa 9 puntos si four-time MVP winner Alvin Patrimonio. Laro sa Linggo (Pasig City Sports Center) 12noon – San Miguel vs Alaska: 1:30 p.m. – Ginebra vs Purefoods. (MC)





Comments